Si Consuelo Ortiga y Rey ay isang babaeng naging kasintahan
ni Jose Rizal. Hindi siya gaanong kilala sa madla at ang impormasyong makakalap
lamang tungkol sa pag-iibigan nila ay ang testimonya ng mga tao.
Si Consuelo Ortiga y
Rey ay ang pinakamagandang anak ni Don Pablo Ortiga. Marahil dahil dito kaya
napaibig niya si Jose Rizal. Isang tula ni Rizal ang nagpapatunay ng kanilang
pag-iibigan.
Kay Binibining C.
O. at R.
Ano’t ang hihingi’y tulang walang lirip,
Na minsan sa dusa’y baliw na inawit?
Upang ipamukha lamang kanyang tikis
Ang kawalang-turing at kahapong pait?
Ano’t nunuynuyin ang sawing alala,
Ngayong nag-aantay ang pusong
suminta;
Tawagin ang gabi sa pag-uumaga,
Nang di nalalamang may ibang araw pa?
Ibig bagá ninyong malaman ang dahil
Nitong pagkahibang sa mga hilahil?
Ibig bagá ninyong sanhi ay alamin,
Kung bakit ayokong pagsinta’y awitin?
Limutin na ninyo. Pagka’t ang dahilang
Nagbibigay lungkot ay bakâ tawanan;
Bangkay ko ang dala sa luksang
libingan
Sa aki’y nalibing ang iba pang bangkay.
Hindi mangyayari. Baliw na hangarin,
Panaginip lamang ng kalulwang
haling;
Inumin ang nectar ng buhay na hain,
Bayaang ang apdo’y payapang tumining.
Nararamdaman kong ang anino’y muling
Sa kaluluwa ko’y ibig bumaluti;
Buko o higit man, bulaklak ay hindi,
Ang kulang sa kanya’y ilaw ang ngumiti.
Kawawang tulâ ko, sila ay bayaan,
Sila’y pinalaki ng kapighatian,
Buhay nila’y talos kung kanino
utang,
Sa inyo, marahil, ay isasalaysay.
Ayon sa
nakatala, si Consuelo ay madalas na humihingi ng mga matatamis na berso mula
kay Rizal. Ngunit tulad na lamang ng ibang pag-ibig ni Rizal, hindi rin naman
sila nagkatuluyan. Isang dahilan nito ay dahil ayaw ni Rizal na malaman at
masaktan si Leonora Rivera. Isa pa, ayaw din ni Rizal na masira ang
pagkakaibigan nila ni Eduardo de Lete, isang lalaking patay na patay kay
Consuelo, kaya bigla siyang tumigil siya sa panliligaw.
Ang tulang ito, nakalulungkot man at maaaring madilim ang
setting ay naghahayag ng damdamin ni Rizal sa naunsyaming relasyon nila ni
Consuelo.
Sources:
No comments:
Post a Comment